S.E.L.O.S - mga karaniwang titik na walang kahulugan ngunit kapag pinagsama na'y mabibigyan na rin ng katuturan. Kaya mo nang ipaliwanag sa mga taong magtatanong sa iyo subalit kapag pumasok na sa puso mo ang salitang ito...kaya mo pa rin bang ipaliwanag?
Pag-ibig daw ang pangunahing dahilan ng selos. Ang sabi pa ng iba, " di ka naman magseselos kung hindi mo mahal eh". Tama sila! Ngunit ang selos ay kaugnay din ng salitang inggit. Maaaring hindi mo maamin sa sarili mo pero kinaiingitan mo ang bagay o taong umagaw ng atensiyon niya sa iyo. Bagong mahal, si ate, si kuya, si bunso,bagong kaibigan, trabaho at marami pang iba.
Maraming mga mapupusok na kabataan ang nagpapakamatay sa kasalukuyan...ang dahilan- kasawian sa pag-ibig! Ano naman ang karaniwang dahilan ng kanilang kasawian? Hindi ba't pagkakaroon ng ibang minamahal? Sariwa pa sa isipan ng mga tao ang dalawang binatilyong binawian ng buhay sa isang mall.Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig dahil iba't ibang emosyon ang pinupukaw nito sa puso ng tao. Walang pinipiling edad at kasarian, minsan kahit bawal na pag-ibig, sige pa rin nang sige.
Kumikitid ang isip natin dahil sa selos na lumalason sa puso ..ayaw mo mang maranasan, ang hirap pa ring pigilan ng puso mong nagpupumiglas sa galit at panibughong nararamdaman. Walang ligtas sa damdaming ito...siya, sila, ikaw at maging ako.
No comments:
Post a Comment