Wednesday, October 5, 2011

A Teacher

















TEACHING may not be a lucrative position...it cannot guarantee financial security..it even means investing your personal time,energy and resources...sometimes it means disappointment,heartaches and pain,,but touching the hearts of people and opening their minds to the possibilities of life can give joy and contentment money can't buy..

A very inspiring message for a teacher like me. Kapag nakakabasa ako ng mga tulad nito, naiisip at nararamdaman kong masuwerte ako dahil isa ako sa kanila...isa ako sa mga taong nagpapahalaga sa edukasyon at sa magagawa mo sa buhay ng isang estudyante. Hindi pera ang pangunahing dahilan kung bakit nagtatrabaho ang isang guro..pero magiging ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nagnanais na tumanggap ng mataas na sweldo at mga benepisyo.
My Teacher my Hero, iyan ang sinasabi nila! Bayani nga siguro kami dahil ito ang propesyon na inaapi pagdating sa sweldo at benepisyo. Maging ang mga batas na kanilang nais ipanukala...ay hindi pabor sa mga guro. May mga hinaing ang mga guro subalit hindi nila maisatinig, wala silang panahopn na ipangalandakan ito dahil mas mahalaga sa kanila ang isang araw na nanakawin nila mula sa karapatan ng mga bata na matuto.
Bayani nga sila...subalit sa mata nino? Marahil sa mata ng mga batang mataas pa rin ang pagpapahalaga sa edukasyon..sa mata ng mga batang mataas pa rin ang respeto sa mga guro..sa mata ng kapwa nila guro... sa mata ko, at sa mata mo?
Sana dumating ang araw na tamasain din ng mga guro ang tinatamasa ng iba pang propesyon...mapansin din ang kanilang hirap at huwag ipagkait ang benepisyong para sa kanila!

Sunday, October 2, 2011

SELOS: Lason sa Puso

S.E.L.O.S - mga karaniwang titik na walang kahulugan ngunit kapag pinagsama na'y mabibigyan na rin ng katuturan. Kaya mo nang ipaliwanag sa mga taong magtatanong sa iyo subalit kapag pumasok na sa puso mo ang salitang ito...kaya mo pa rin bang ipaliwanag?
Pag-ibig daw ang pangunahing dahilan ng selos. Ang sabi pa ng iba, " di ka naman magseselos kung hindi mo mahal eh". Tama sila! Ngunit ang selos ay kaugnay din ng salitang inggit. Maaaring hindi mo maamin sa sarili mo pero kinaiingitan mo ang bagay o taong umagaw ng atensiyon niya sa iyo. Bagong mahal, si ate, si kuya, si bunso,bagong kaibigan, trabaho at marami pang iba.
Maraming mga mapupusok na kabataan ang nagpapakamatay sa kasalukuyan...ang dahilan- kasawian sa pag-ibig! Ano naman ang karaniwang dahilan ng kanilang kasawian? Hindi ba't pagkakaroon ng ibang minamahal? Sariwa pa sa isipan ng mga tao ang dalawang binatilyong binawian ng buhay sa isang mall.Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig dahil iba't ibang emosyon ang pinupukaw nito sa puso ng tao. Walang pinipiling edad at kasarian, minsan kahit bawal na pag-ibig, sige pa rin nang sige.
Kumikitid ang isip natin dahil sa selos na lumalason sa puso ..ayaw mo mang maranasan, ang hirap pa ring pigilan ng puso mong nagpupumiglas sa galit at panibughong nararamdaman. Walang ligtas sa damdaming ito...siya, sila, ikaw at maging ako.