Friday, May 6, 2011

Multiple Intelligences

Ang Teorya at Praktika ng Multiple Intelligences

v Ang pundasyon ng Multiple Intelligences

· Hiniling ng Ministri ng Instruksiyong Publiko kay Alfred Binet na lumikha ng paraan na tutukoy sa mga mag-aaral sa primarya na nanganganib na lumagpak upang mabigyan ng remidyal na pagsusulit

· Batay sa resulta ng unang intelligence test, napatunayang may intelligence na obhektibong masusukat na tatawaging IQ score.

· Ipinanukala ni Howard Gardner sa kanyang aklat na Frames of Mind ang pagkakaroon ng pitong batayang intelligences at ito’y nadagdagan pa kaya’t naging siyam na uri.

v Ang Siyam (9) na Uri ng Multiple Intelligences

· Intelligence na linggwistik

Ø May kapasidad na magamit nang wasto ang mga salita nang pasalita o pasulat

· Intelligence na lohikal- matematikal

Ø may kapasidad na makapagdahilan at magamit ang mga bilang nang wasto

· Intelligence na visual-spatial

Ø May kakayahang Makita nang tama ang daigdig visual –spatial at makagawa ng transpormasyon mula sa mga persepsyon.

· Intelligence na bodily kinesthetic

Ø May kakayahang makapagpahayag ng mga ideya at damdamin at makagamit ng isanmg kamay na makalikha o makapagpabago ng mga bagay

Ø kabilang dito ang mga tiyak na kasanayang pisikal

· Intelligence na musikal

Ø May kapasidad na makalikha, makapuna, makapagpabago at makapagpahayag ng mga pormang musical

· Intelligence na Interpersonal

Ø May kapasidad na matukoy ang intension, motibasyon at damdamin ng ibang tao

Ø May kapasidad na makapagpahayag ng ekspresyon ng mukha ,tinig, galaw o kilos

Ø may kapasidad na makaimpluwensya ng grupo ng tao na sumusunod para maganap ang aksyon

· Intelligence na Intrapersonal

Ø May kapasidad na makilala ang sarili at may kakayahang makakilos batay sa kanyang talino

· Intelligence na Naturalist

Ø May kakayahang matukoy at maikategorya ang mga halaman, hayop at iba pang mga bagay sa kalikasan

· Intelligence na eksistensyal

Ø May kapasidad na maipaliwanag ang malalim na kahulugan ng buhay.

v Mahahalagang Punto Ukol sa Teorya ng Multiple Intelligences

· Ang bawat nilikha ay nagtataglay ng mga multiple intelligences.

· Karamihan sa mga tao ay nakadedebelop ng intelligence sa sapat na antas ng kanyang kahusayan.

· Ang intelligence ay nagaganap at nadedepelop sa maraming paraan.

v Iba pang panukalang Bagong Intelligences

· Ispiritwalidad

· Sensitibiliting moral

· Sekswalidad

· Humor

· Intwisyon

· Kreeytibiliti

· Kakayahang culinary

· Persepsyong olpaktori

· Kakayahang mabuod ang iba pang intelligences

12 comments:

  1. A big help ma'am., thank you so much. :)

    ReplyDelete
  2. thanks for posting it..me maisasagut aquh sa assignment quh..:))

    ReplyDelete
  3. Thanks!! It helps me in our Araling Panlipunan Subject in Our Group Activity.. wow You the dudeee.. KEEP ON ROCKING !! ♥


    --
    Thanks A Lot,
    Bea Gwen S. Agupitan. ♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you and welcome! thanks for visiting my blog.

      Delete