The World is an Apple Translation
  Ang Mundo ay Mansanas
  Salin ni: Lanie Lyn T. Mendoza
   
  Mga Tauhan:
  Mario
  Gloria
  Pablo
   
  Tagpo:
  Isang barong-barong ang nakatayo sa likod ng pader ng Intramuros . May Dalawang kahoy na kahon na nakaharang sa pintuan. Sa kaliwa, may puno ng Akasya at bangkito  sa lilim nito
    Papasok si Mario. Kupas ang damit at mahaba ang buhok na mukhang hindi nakapag-pagupit ng ilang Linggo. Ilalagay ang bag sa bangkito, uupo, maghuhubas ng sapatos at ilalagay sa loob ng bag nito. 
  Gloria: (tawag mula sa loob ng 
  bahay) Mario! Ikaw na ba ‘yan Mario?
  Mario: Oo….
  Gloria: ( Lumabas si Gloria na nagpupunas ng kamay sa kanyang damit. Siya ay maliit na babae, mahaba ang buhok  at halos kaedad din ni Mario.
  Mabuti naman at maaga kang umuwi.
  Mario:  Kumusta si Tita?
  (pumasok  sa bahay na hindi naghihintay ng sagot.)
  Gloria: (Tatawid sa bangkito)
  Huwag mo na siyang gisingin, Mario. Pagod iyon  dahil sa kaiiiyak maghapon.
  Mario: (bumalik, tumawid  at naupo sa kabilang dulo ng bangkito.
  Kumakain ba siya nang mabuti?
  Gloria:  Ayaw nga niyang  kumain kahit isang subo ng lugaw e. Pero ibibili 
               Ko siya ng biskwit, baka sakaling kumain.
  ( Dudukot ng pera mula sa bulsa ng pang-itaas na damit ni Mario.
  Kukuha na ako ng pera ha!
  Mario: (tumayo, galit)Gloria! Hindi ka ba makapaghintay?
  Gloria: ( mapapaurong)
          Oy, anong problema? Bakit bigla ka na lang naging sensitibo sa bagay 
  na iyan?
  Mario: At bakit, hindi? Kinakausap kita tungkol sa bata, tapos  
  manggugulo ka dahil sa pera. Sana mas pahala-gahan mo ang anak 
  natin. 
  Gloria: (gigitna)Diyos ko!Hindi ko ba siya iniisip? Bakit kaya sa 
  palagay mo kailangan ko ng pera? Para bumili ng damit o manood ng 
  sine?
  Mario: Hinaan mo ang boses mo. Magigising  mo ang bata.
  Gloria:(Mahina ngunit may diin)Konting halaga lang ang kailangan ko para 
  pambili ng makakain ng anak mo. Wala pang laman ang 
  tiyan niya sa buong araw. Iyon ang dahilan kaya “ginugulo kita!  
  Mario: (nagsisisi)Patawad Gloria.. (hinawakan siya sa braso)
  Gloria: Okey lang, Mario! Ngayon, pwede mo na ba akong bigyan ng pera?
  Mario:( titingin sa kanya)Pera? A..wala akong pera..wala pa. 
  Gloria: Mario, araw ng sweldo ngayon.
  Mario: Oo nga…pero..
  Gloria: Pero ano? Nasaan ang sweldo mo ngayong Linggo?
  Mario: Wala…sa akin.
  Gloria: Ano? Hinintay kita nang buong araw tapos sasabihin mo sa akin..
  Mario: (Galit) na wala akong pera!Wala! Anong gusto mong gawin ko, 
  magnakaw?
   
  Gloria: Hindi ko sinabing gawin mo iyon. Gusto ko lang malaman kung 
  anong ginawa mo sa pera mo!
  Mario: (uupo sa bangkito)Walang natira sa pera ko
  Gloria: Wala? Anong nangyari?
  Mario: Nakainom ako ng konti kasama ang mga kaibigan ko. Di ko 
  namalayan, ubos  na  pala ang pera ko.
  Gloria:( Tinitigan si Mario)Mario, akala mo ba maloloko mo ako? Hindi 
  ba’t  nakita  kitang lasing dati: gumagapang ka 
  pauwi katulad ng ahas na sugatan at umaalingasaw
  ng alkohol na parang ospital. Hindi ka naman mukhang nakainom 
  ngayon.
  Mario: Sige na nga, hindi na ako nakainom.
  Gloria: Pero ang sweldo mo- anong nangyari doon?
  Mario: Mas mabuting hindi mo na malaman pa, Gloria
  Gloria: Mario, asawa mo ako. May karapatan ako sa kalahati ng lahat ng 
  kinikita mo. Kung hindi komakukuha ang parte ko,kahit paano, may 
  karapa-tan akong   malaman  kung saan napunta iyon.
  Mario: Okey!( tumayo) Ginastos ko lahat sa babae.
  Gloria: Babae?Hindi ako naniniwala. Alam kong hindi mo gagawin iyon.
  Mario: Hindi ko alam na malaki pala ang tiwala mo sa akin.
  Gloria: Hindi, Mario, ang ibig kong sabihin, hindi mo uubusin ang pera mo 
  kung alam mong kakailanganin ng anak mo. Mahal na mahal mo siya para gawin mo iyon.
   Uupo at sasapuhin ng dalawang kamay ang kanyang ulo. Lalapit si Gloria at ipapatong ang kamay sa balikat ni Mario.
  Gloria: Anong problema, Mario?
  Mario:  (nag-iwas ng tingin)Wala, Gloria, wala.
  Gloria: (tumabi sa asawa) Alam kong may problema. Mario, 
       nararamdaman ko. Sabihin  mo na sa akin kung ano iyon.
  Mario: (tumingin sa sahig) Gloria, wala na akong trabaho.
  Gloria: (Napatayo) Ano?
  Mario: (tumingin sa asawa)Totoo, Gloria.
  Gloria: E, iyong sweldo mo ngayong Linggo?
  Mario: Noong isang Linggo pa ako nawalan ng trabaho.
  Gloria: At ni hindi mo sinasabi  sa akin.
  Mario: Akala ko kasi  makakakita ako ng trabaho,  nang hindi ka mag-
  aalala.
  Gloria: Akala mo ba makakakita ka ng bagong trabaho sa loob ng limang 
  buwan. E, ganoon katagal ka rin bago nagka-trabaho.
  Mario: Hindi naman aabutin  nang ganoon katagal.
  Gloria:Paano nangyari iyon? Mario! Ano na namang kabulastugan ang dala 
  ng mga  kamay mong makasalanan?
  Mario:Ngayon,Gloria huwag  mong subukang pagbintangan din ako katulad 
  ng  ginawa nila.
  Gloria: Anong ibinintang nila sa  iyo?
  Mario: E, di kung ano ang gusto mong palabasin,pangungupit yan ang sabi 
  nila. 
  Gloria: Ano pa nga ang ibang tawag doon? (mag-iisip)Ano? Nagnakaw ka 
          daw? 
  Mario: (Mahina ang boses)Wala iyon!
  Gloria:   Ano iyon? 
  Mario: Isang mansanas!
  Gloria: mansanas! Ang ibig mong sabihin-
  Mario: Mansanas, di mo ba alam kung ano ang mansanas?
  Gloria: Ang ibig mong sabihin, kumuha ka ng mansanas?
  Mario: Oo,at tinanggal nila ako  sa trabaho dahil doon, 
          dahil sa pagkuha ng isang pirasong  mansanas, hindi 
          isang dosena,o isang kahon.
  Gloria: Iyan ang napala mo….
  Mario:  Alam ko ba na gagawin nila iyon dahil lang sa isang mansanas? Eh, 
  ang dami-dami namang mansanas  doon. Hinihila namin iyon papunta
    sa kamalig.May nakita akong isang mansanas na  gumulong mula      sa
  sirang kahon. Ang laki niyon. Biglang natagpuan ko nalang ang sarili ko    na     inilalagay ang         mansanas sa loob ng baunan ko.         
  Gloria: Iyan ang hirap sa iyo,kapag naisip mo ang tiyan mo, wala ka nang 
  naiisip na iba,     
  Mario: Hindi ko iniisip ang sarili ko.
  Gloria: Sino ang iniisip mo- ako? Nanghingi ba ako ng 
  mansanas?
  Mario: OO, siya….. Naalala mo noong lumabas kami        ng anak mo para 
        mamasyal? Habang pauwi, may nadaanan      kaming  tindahan na  
nagbebenta ng masasarap na mansanas sa halagang pitumpong sentimo
bawat isa. Nag- pabili siya, pero wala akong ganoong halaga.  Ang ginawa  
ko, ibinili ko  niyong maliliit na berdeng mansanas na ibinebenta diyan sa
bangketa pero ibinato niya lang at sinabing hindi raw totoong mansanas
iyon. Umiyak siya.( tumigil sandali) Kaya noong nakita ko ang mansanas na
gumulong mula  sa kahon, naisip ko,magugustuhan ni Tita iyon
Gloria: Bakit hindi ka na lang nag-uwi ng pandesal, bigas  o di kaya’y    
  gatas  at hindi iyong masasarap na mansanas. Hindi tayo mayaman.
Mabubuhay tayo nang walang mga  mansanas.
  Mario: Bakit?Nilikha ba ng Diyos ang prutas na iyan para 
  sa mga mayayaman lang? Hindi ba’t nilikha     niya ang 
          buong mundo para sa lahat. Iyan ang dahilan kung bakit gusto kong 
  dalhan ng mansanas si Tita.Nang ipinanganak siya, parang ipinangako 
      na rin natin na ibibigay natin ang lahat sa kanya.                                   Gloria: Kaya,  dahil sa inuuod na  mansanas, nawalan ka ng trabaho.
  Mario: Wala akong pakiaalam kahit ilan pang trabaho ang mawala sa akin 
  dahil sa mansanas para sa anak ko. 
  Gloria: Nasaan na ang mansanas? Naiuwi mo ba para kay Tita?
  ( Tumawid sa bangkito para kunin ang baunan.)
  Mario: Hindi, itinago nila para daw may ebidensiya.( Naupo)
  Gloria: Nakita mo na? Nawalan ka ng trabaho dahil sa   
      pangungupit ng mansanas, at naiwala mo rin ang mansanas 
      na dahilan ng pagkawala ng trabaho mo.( Itinabi ni Gloria 
  ang sapatos at baunan. Umupo sa hagdan,  sandaling namayani ang katahimikan sa dalawa.)
  Gloria:(Napatayo)Pangungupit ng mansanas, napakaliit    na dahilan  niyon 
  para  tanggalin ang isang dukha sa trabaho. Makiusap kang pagbigyan 
  ka nila Mario.
  Mario: Hindi nila gagawin iyon.
  Gloria: Bakit hindi?
  Mario: Hindi mo  ba nakikita na matagal na silang nag- 
  hihintay na magkamali ako katulad ng nangyari? Gusto nilang 
  matanggal ako kahit anuman ang  dahilan, para maipasok 
  nila ang mga tao nila.
  Gloria: Dapat magreklamo ka..
  Mario: Kapag ginawa ko iyon kakalkalin nila ang rekord ko sa pulisya. 
  Gloria: Pero Mario, matagal na iyon. Bakit naman nila 
           kakalkalin ang mga ganoong bagay? Gagawin        nila  ang lahat para 
  hindi  ako makabalik. Pero, huwag kang mag-alala, makakakita   
          din ako ng  trabaho. Hindi naman mahirap maghanap 
           ng trabaho ngayon.( nag- iwas ng tingin)Alam mo,   isang Linggo na 
  akong naghahanap ng trabaho at sa palagay ko’y nakakita na ako 
           ng magandang trabaho. 
  Gloria: Nagsisinungaling ka na naman!
  Mario: Maniwala ka, hindi ako nagsisinungaling sa pagkakataong ito.
  Gloria: Palagi ka namang nagsisinungaling- Hindi ko alam kung kailan ka 
  nag-sasabi ng totoo o hindi.
  Mario: Ang totoo,makikipagkita ako mamayang gabi sa   isang taong may 
  alam na     kompanya na nangangailangan ng         panggabing 
          tagabantay.
  Gloria: ( hinawakan sa kamay si Mario)  Totoo?
  Mario: (iniwasan ang tingin ng asawa) Totoo
  Gloria: Alam kong hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Wala siyang 
          pinababayaan. Ipagdarasal ko na matanggap ka sa trabahong iyan. 
  (Napatingin kay Mario)
  Pero, Mario ang ibig     sabihin, buong gabi kang      nasa labas?
  Mario:  Walang kaso iyon. Pwede naman akong matulog sa      araw.
  Gloria:( Hinimas siya na parang pusa) Ang ibig kong sabihin, iba   kapag    hindi 
        kita kasama sa gabi.( lalayo) Pero, siguro masasanay din ako.
          ( pupunta sa gitna at iikot) 
          Bakit di mo pa puntahan ang kaibigan mo ngayon? Wala ka 
  namang gagawin         mamayang gabi. Hindi ba     mas magandang 
  puntahan   mo na siya habang maaga pa.
  Mario: A—Oo, siguro nga mas  magandang gawin ko iyan.
  ( Pupunta sa may hagdan at kukunin ang sapatos, kasunod si Mario)
  Gloria: (ibinigay ang sapatos) Ito, o, isuot mo iyan at       umalis ka na, 
  aakyat na  rin ako at hihintayin kita. ( naupo sa hagdan at pinanood ang asawa)
  Mario: (nagsusuot ng sapatos)Huwag mo na akong 
          hintayin Gloria. Baka    gabihin na ako  pag-uwi.
  Gloria: Sige..pero di ko alam kung makakaidlip ako hanggang sa pagdating 
  mo.
  ( Lumapit si Gloria sa kanyan nang maisuot niya ang sapatos at akmang yayakapin siya asawa pero itinulak niya ang asawa, Nalilito, umupo siya sa hagdan. Tinabihan siya ni Gloria habang nilalaro ang kanyang mga kamay)
  Gloria: Mali talaga ang nanay ko. Alam mo    ba, bago tayo ikasal lagi 
  niyang       sinasabi “ Gloria isang  napakalaking pagkakamali ang      gagawin mong pagpapakasal diyan     sa walang kwentang lalaking  iyan
  “ Sana, buhay pa siya,         nakita niya sana ang laki      ng pagbabago mo.
  ( May makikita siyang tao na nakakubli sa puno: si Pablo. Kanina pa sila pinanonood. Mas matanda siya kay Mario, nakakatakot ang hitsura at bihis na bihis
  Pablo: (Sarkastiko) Hmmm.         Napakaromantiko
  Mario: Pablo!
  (Biglang kinabahan, nagsimulang manginig si Mario. Tumayo si Gloria at pumunta sa gitna, hindi inaalis ang nagbabaga sa galit na ,mga mata. Nagsindi ng sigarilyo si Pablo, hindi rin inaalis ang tingin sa kanya.)
  Pablo: Hindi ka natutuwang makita ako, no?
  ( ipinatong ang paa sa bangkito)
  Gloria: (galit) Anong ginagawa mo rito? Anong kailangan mo?
  Pablo:Hay! Iyan ba ang tamang paraan ng pagtanggap ng isang kaibigang 
  bumibisita?
  Gloria: Wala kaming pakiaalam sa pagbisita mo.
  Pablo: Hindi ka nagbago kahit konti, Gloria..hindi kahit konti.
  Gloria: Ikaw din, walang pagbabago, nakikita ko.
    Pablo: Ikaw pa rin ang iyong babaeng nagsumpa sa akin dahil naging 
  kaibigan ako ni Mario bago pa man kayo nagkakilala. Hindi napagbago 
  ng panahon ang ugali mo sa akin.Galit ka pa rin sa akin, ano?
  Gloria: Oo!At sana huwag ka nang lalapit sa amin habang buhay.
  Pablo: Hindi pa ba ako lumalayo sa iyo?
  Gloria: Kung ganoon, bakit nandito ka?
  Pablo: Hindi ba ako pwedeng  pumunta sa inyo paminsan- minsan, para 
  alamin kung  naging mabuti ba ang buhay  sa inyo. Paano kayo
           nakakaraos?
  Gloria: (Nanlilibak) Mabuti naman kami hanggang sa nagpakita ka.
  Pablo: Ang anak mo-ganito pa  lang siya katangkad nang 
          huling Makita ko- kamusta   na siya?
  Gloria: Mabuti naman siya.
  Pablo: O..Akala ko, hindi maayos  ang kalagayan niya.
  Gloria: (Nagdududa) Paano mo nalaman?(Kay Mario) Sinabi mo sa kanya?
  Mario: Ako..Paano ko gagawin iyon? Hindi nga kami nagkita nang 
  matagal..(naupo) hanggang sa ngayon siyempre.
  Pablo: Ano? May sakit ba siya?
  Gloria: (Paasik) Hindi namin Alam!
  Pablo: Sa palagay mo, kailangan na kaya siyang 
  dalhin sa doctor?( ibinaba ang paa at inilabas ang pitaka) Heto, 
  pahihiramin kita ng konting halaga.  Pwedeng makatulong ito 
           Para gumaling ang anak mo. 
  Gloria: (Paasik)Kailangan nga namin  iyan- pero salamat na kang
  Pablo: Bakit ayaw mong kunin ito?
  Gloria: Ang pagbabayad sa iyo ay nangangahulugang
          makikita ko ulit ang  pagmumukha mo.
    Pablo: Kung ganyan ka-laki ang galit mo sa pagmumukha, e di, huwag mo 
  na akong bayaran.
    Gloria: Dahil diyan, kaya mas  kailangan  kong tanggihan iyan.
  Pablo: Okey, kung iyan ang gusto mo. ( naupo at ilaro ang pitaka)
  Gloria: Hindi na umaasa sa iyo si Mario  simula nang ilayo ko siya sa mga  
  kuko mo. Wala akong pinagsisisihan.
  Pablo: Paano si Mario? Wala din ba siyang pinagsisihan?
  Gloria: Wala!
  Pablo: Paano ka nakakatiyak? Noong magkaibigan pa kami, nakakapunta 
  kami sa mga malamig at  mamahaling sinehan. Ipupusta ko ang lahat 
  ng pera ko dito na hindi siya nakapunta doon simula ng  “palayain” mo 
  siya mula sa akin. At  mga  apat na taon na ang nagdaan ha..
  Gloria: Hindi  umaasa nang malaki ang sinuman sa 
          sa malinis na pera – at kami ay hindi.
  Pablo: (Tumayo at naglakad-lakad) Anong matapat na pera?
   Mas maganda ba ang hitsura niyon kaysa sa  sinungaling na pera? 
  Mas marami bang nabibili  iyon? katotohanan? 
   Ano iyon? Nagdadamit ka ng katulad niyan?Nakatira
  kayo sa dito sa gubat na tinatawag niyong bahay?   
  Iyan ba ang tinatawag niyong ‘ katapatan”?
  Mario: ( Tumayo) Pablo!
  Pablo: Tingnan mo ang nangyari sa anak mo. 
  Iyan ang nagagawa ng katapatan sa kanya. At 
  paano siya matutulungan ng katapatan ngayon? 
  Wala siyang sakit at hindi niya kailangan ng gamot. 
  Alam mo yan. Alam na alam mo na ang kailangan 
      niya ay pagkain. Masustansiyang pagkain.                                        Mario: Pablo!
  Gloria: Alam kong pumunta ka dito para yayain siyang muli sa madumi 
  mong gawain, pero hindi mo magagawa iyon. Hindi siya makikinig sa 
  iyo. Narating na namin ang puntong ito at patuloy kaming mabubuhay 
  nang walang tulong galing sa iyo.
  Pablo: ( Nang-uuyam) Buhay ba tawag mo dito. Ang 
            tawag dito.. Gloria ay dahan-dahang pagkamatay.                                   Mario: (Lumapit at niyugyog siya)Pablo, tumigil ka na! hindi ka na dapat pumunta dito.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                   Pablo: Nainip ako sa paghihintay sa iyo                                                                                                                                           Gloria: Kung ganon nagkikita pala kayo. Iyan na nga ang ikinatatakot ko.
  Pablo: Pumunta siya sa bahay kagabi.
  Mario: Pablo, huwag
  Pablo: (hindi pinansin si Mario)Sabi niya babalik siya  
  kaninang tanghali, pero hindi na siya nagpakita.
  Pumunta ako dahil natatakot akong baka 
  nakukunsiyensiya na naman siya.
  Mario: Pablo, sabi ko, hindi niya dapat malaman.
  Pablo: Okey lang iyan Mario, Mas mabuting sabihin mo 
  sa kanya ang lahat. Malalaman din naman niya kinalaunan. Sabihin mo 
  sa kanya ang sinabi mo sa akin kanina: na hindi ka na naniniwala sa 
  paraan ng pamumuhay na gusto niya. Sabihin mo.
  Tumalikod si Mario sa kanila.
  Gloria: Mario.. ito ba ang tinutukoy mong bagong trabaho?
  Mario:  Gloria, sana maintindihan  mo.. sinubukan ko..pero 
  hindi ko maiahon ang pamilya natin sa ganitong uri ng buhay.
  Gloria:( Sinigawan si Pablo)  Ikaw ang dapat sisihin  nito!
  Pablo:  Siya ang pumunta sa akin-
  Gloria: Kahit alam mong  gagawin niya ang 
  lahat..kahit ang bumalik sa buhay na ayaw niya. Lumayas ka!
        Pablo: Aalis ako- kapag handa na rin si Mario na umalis.
Gloria: Hindi siya sasama sa iyo.
Pablo: Talaga? Bakit hindi mo siya tanungin?
Gloria: (Kay Mario) Hindi ka sasama sa kanya. Hindi ba Mario? Sabihin mo sa kanyang iwan niya na tayo at huwag na siyang 
  babalik. Alam kong kinausap ka niya at sinubukang lasunin ang 
  isipan mo, pero huwag kang sasama sa kanya Mario.
  Mario: (hinawakan siya) Gloria..ako ay.
  Pablo: Huwag kang mag-aalala sa kanya Gloria, ligtas siya sa akin..
  Mario: (Hinila siya palayo) Diyan ka lang Pablo. Pupuntahan kita maya-
  maya.( pinigilan siya)
  Mario:  Gloria, sasama  ako sa kanya.
  Gloria: huwag, Mario, huwag
  Mario: Hindi mo na ako mapipigilan ngayon. Napag-isipan ko na ito 
  noong isang Linggo. 
  Gloria: Hindi, Mario, hindi…….
  Mario: Alagaan mo ang sarili mo at ang anak natin.Ako na ang bahala sa 
  sarili ko. Huwag mo na akong hintayin.. Gagabihin ako sa pag-uwi.
  Umalis si Mario  kasama si Pablo.  Pinanood sila ni Gloria na walang magawa kundi sumigaw)
  Gloria: Marioooooooooo!
  ( Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang damit at umiyak doon. Mula sa loob ng bahay ang kanyang anak ay kasabay niyang umiiyak hanggang sa pagbaba ng kurtina.  
   
                                                          EnD